literature

Pagtulog

Deviation Actions

RainyEndings13's avatar
Published:
256 Views

Literature Text

Pagtulog, Pagtulog, O, Aking Pagtulog!
O, sana dinggin mo ang aking dunog
O, Iyo ay pakinggan, angking sumamo
Nang isang, O, kahabag-habag na puso

Ika'y aking asam-asam tuwing gabi
Ngunit takdang-aralin ang syang katabi
Imbes na kama ang hinihigaan
'Sang tambak na gawain ang tutulugan

Sa aking pag-uwi sa aking tahanan
Sumalubong sa'kin, mailap na unan
O, ang puso o ay naghihinagpis
Ito ba ay aking siyang matitiis?

O, ang aking nagdadalamhating puso
Isang malambot na kama ang syang gusto
Ngunit sinsabi ng aking isipan
Mga gawain ay di dapat idlipan

Puso't isipan ko'y di makapili
Kaya ako ay nag-isip ng mabuti
Kung ano ang siyang dapat piliin
Pero sa huli ako'y natulog na rin
Halu

another project for my filipino subject...made this a long long time ago heheXD
© 2011 - 2024 RainyEndings13
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In